Hindi ma-redeem ang Netflix gift card

Kung hindi mo ma-redeem ang Netflix gift card, subukan ang sumusunod na steps para sa error message o isyung nararanasan mo.

Kung may nakikita kang message na nagamit na ang code na inilagay mo, ang karaniwang ibig sabihin nito ay na-redeem na ang card sa isang account. Tingnan ang page na History ng Pagbabayad o Membership para malaman kung na-apply ang balance ng gift card. Kung hindi mo nakikita ang gift card balance sa account mo, makipag-ugnayan sa amin.

Kung may nakikita kang message na hindi valid ang code mo, ang karaniwang ibig sabihin nito ay may isyu sa code na inilagay mo. I-double-check ang code at subukang ilagay ulit.

Kung nailagay mo nang tama ang code pero nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ang card mo ng merchant kung saan mo binili ang gift card. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies para i-clear ang Netflix cookie; isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Pumunta sa netflix.com/redeem at subukang i-redeem ulit ang gift card mo.

Kung nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ng merchant ang card mo. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Kung may nakikita kang message na hindi magagamit sa account mo ang code na inilagay mo, ang karaniwang ibig sabihin nito ay sinusubukan mong mag-redeem ng gift card sa isang account na sinisingil sa Apple, o naka-link sa package na may kasamang Netflix.

  • Kung kasalukuyan kang nagbabayad sa pamamagitan ng Apple at gusto mong gamitin ang isang Netflix gift card, kailangan mong i-cancel ang Netflix account mo, maghintay hanggang mag-close ito, at i-restart ito gamit ang gift card mo.

  • Kung naka-link ang account mo sa isang package na may kasamang Netflix, puwede mong i-save ang gift card at gamitin ito kapag hindi na naka-link sa isang package ang account mo, o puwede mo itong i-redeem sa ibang Netflix account.

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies para i-clear ang Netflix cookie; isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Pumunta sa netflix.com/redeem at subukang i-redeem ulit ang gift card mo.

Kung nakikita mo pa rin ang message na ito, posibleng hindi pa naa-activate ng merchant ang card mo. Maghintay nang 24 na oras bago subukang i-redeem ulit ang gift card mo. Kung nakikita mo pa rin ang error na ito, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi mo mabasa ang code sa likod ng card mo dahil may scratch o damage ito, makipag-ugnayan sa amin.

OSZAR »

Mga Kaugnay na Article

OSZAR »