Mga live event sa Netflix: WWE wrestling at marami pang iba

Kasama ang mga live event sa lahat ng Netflix plan, para mapanood mo ang pinag-uusapan ng lahat sa sandaling mangyari ito! I-enjoy ang mga sport, comedy stand-up, award show, at iba pang special event na naka-stream nang live sa Netflix. Sa mga live event, puwede kang mag-rewind, mag-pause, at mag-play mula sa umpisa, o lumaktaw sa alinmang punto ng livestream, at puwede ring panoorin o i-download ang mga ito sa ibang pagkakataon.

Tandaan: Posibleng available na mapanood at i-download ang ilang event sa loob ng limitadong panahon pagkatapos ng livestream.

Puwede kang manood nang live sa karamihan ng bagong device, kasama na rito ang

  • Mga Smart TV

  • Mga streaming media player

  • Mga Android phone at tablet

  • iPhone at iPad

  • Mga Mac at Windows computer

  • Mga game console

Tiyaking gumagana ang device mo sa pinakabagong version ng Netflix app para makapanood nang live. Kung hindi supported ang panonood nang live sa device mo, magiging available na mapanood kahit kailan ang mga event na ito pagkalipas ng ilang araw, tulad ng iba pang title.

Posibleng may commerical break ang mga live event, special event, o iba pang bagong feature sa lahat ng plan namin. Walang commerical break ang mga TV show at pelikulang hindi live sa mga experience na walang ads, pero posibleng may ibang uri ng commercial content ang mga ito.

Sa pagtatapos ng live event, aalisin ang mga commercial break sa mga experience na walang ads.

Tandaan: Sa ilang sitwasyon sa mga experience na walang ads, posibleng may lumabas na ads sa loob ng ilang saglit pagkatapos mag-live ng event, pero puwede itong i-fast forward.

Mga paparating na event:

  • WWE

    Tandaan: Kasalukuyang hindi available ang mga WWE live event sa lahat ng bansa.

    • WWE Raw kada linggo tuwing Monday nang 5:00 p.m. Pacific Time

    • WWE NXT kada linggo tuwing Tuesday nang 5:00 p.m. Pacific Time

    • WWE SmackDown kada linggo tuwing Friday nang 5:00 p.m. Pacific Time

    • Mga WWE Premium Live Event (PLE)

    • Mga wikang available sa livestream: Arabic, English, French, Hindi, Indonesian (Bahasa), Portuguese (Brazil), Spanish (Castilian), Spanish (Latin America); English closed captioning

  • Netflix Tudum 2025 live sa May 31, 2025 nang 8:00 p.m. Eastern Time/5:00 p.m. Pacific Time

    • Mga wikang available sa livestream: English, Korean, Portuguese (Brazil), Spanish (Latin America); English closed captioning

  • Katie Taylor vs. Amanda Serrano 3 live sa July 11, 2025 (iaanunsyo ang oras)

Mga kamakailang live event:

Gamitin ang feature na I-remind Ako para ma-notify kapag may available na live event o episode. Sa pag-set ng reminder, makikita rin ang title sa seksyong List Ko ng device mo kapag available na ito para panoorin nang live. Puwede mo ring i-search ang title kapag oras na para manood nang live o pagkatapos ng livestream.

Posibleng limitado ang available na wika ng audio at subtitle sa bawat live event habang naka-livestream. Pagkatapos mag-live ng event, madaragdagan ang mga available na wika ng audio at subtitle (karaniwang sa loob ng ilang araw pagkatapos ng livestream), tulad lang ng iba pang title sa Netflix.

Supported ang karamihan ng mas bagong device.

  • Kung nakakakita ka ng mensaheng nagsasabing kailangang i-update ang app, puwede mo ring tingnan kung updated ang operating system mo.

  • Kung nakikita mo ang mensaheng nagsasabing hindi supported ng device mo ang livestreaming, kailangan mong gumamit ng ibang device para makapanood nang live.

  • Hindi supported ang pag-cast o pag-mirror sa mobile device o Chrome browser kapag nanonood nang live. Puwede mo pa ring panoorin ang livestream sa supported mong mobile device o sa Chrome browser.

Mga TV, game console, at streaming player na naka-connect sa TV
Tiyaking naka-update ang device. Kung hindi ka sigurado kung paano i-update ang system software sa device mo, tingnan ang owner's manual o makipag-ugnayan sa manufacturer.

Mga Android phone at tablet
Kailangan ang Android 7 o mas bago at ang pinakabagong Netflix app version sa Google Play Store. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

iPhone at iPad
Kailangan ang iOS/iPadOS 17 o mas bago at ang pinakabagong Netflix app version sa App Store. Alamin kung paano i-update ang iPhone o iPad mo.

Mga Computer
Puwede kang manood nang live sa browser mo o sa Netflix app para sa Windows 10 at mas bago. Para tiyaking pinakabago ang version ng browser mo, tingnan ang mga supported browser at system requirement ng Netflix.


Hindi supported:

  • Chromecast 1st - 3rd generation at Ultra (pero supported ang Chromecast na may mga Google TV model)

  • PlayStation 3 game console

May ilang device na hindi nakalista sa itaas kung saan hindi supported ang panonood nang live. Ito ay dahil hindi puwedeng i-update ang Netflix app o software na nasa device sa version kung saan supported ang livestreaming, o hindi na ito supported.

Kung wala kang supported device, karaniwang nagiging available na mapanood ang mga live event ilang araw pagkatapos ng livestream, tulad lang ng iba pang title sa Netflix. Makakakita ka ng mensaheng nagsasabing hindi supported sa device mo ang livestreaming hanggang sa araw na iyon.

Tandaan:Hindi palaging available kaagad ang title pagkatapos ng livestream kung magkaiba ang settings ng wika sa profile mo at ang orihinal na wika ng live event. Kapag kumpleto at available na ang mga subtitle sa pinili mong wika sa panonood, makakapanood ka na.

Kung nagkakaproblema ka sa panonood nang live, piliin ang option sa ibaba na pinakatugma sa isyu.

Kung nakikita mo ang isa sa mga error message na ito, pumunta sa katugmang article para sa tulong:

Kung ibang error message o error code ang nakikita mo, subukang i-search ang eksaktong message o code sa aming Help Center para sa katugmang article at sundin ang steps.

Kung walang article na nag-match sa isyu mo, makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Kung may mangyaring ibang isyu habang sinusubukan mong manood nang live, posibleng malutas ng options na ito ang mga karaniwang problema. Pagkatapos ng bawat step, subukan ulit ang Netflix.

  • I-off o i-unplug ang device mo sa loob ng 15 segundo at i-on ito ulit.

  • I-restart ang home network mo.

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang isyu o hindi ka makapanood nang live, i-search ang isyu sa aming Help Center dahil posibleng may iba pang steps na puwedeng subukan.

Kung walang article na nag-match sa isyu mo, makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang tulong.

Mga Kaugnay na Article

OSZAR »