Paano mag-download ng mga title na papanoorin offline

Para manood ng mga TV show at pelikula offline kahit kailan, i-download ang mga ito sa Netflix app. Alamin pa ang tungkol sa paghahanap, pag-download, at panonood ng mga na-download na TV show at pelikula sa ibaba.

Para mag-download sa Netflix, kailangan mo ang Netflix app para sa Apple iOS.

Maghanap at mag-download ng TV show o pelikula

Mag-tap sa kahit anong TV show o pelikula at hanapin ang icon na Mga Download para makita kung puwede itong i-download, o mag-filter ayon sa kung ano ang puwedeng i-download. Hindi lahat ng title ay puwedeng i-download.

  1. Habang naka-sign in sa Netflix app, i-tap ang Mga Download.

  2. I-tap ang Tingnan Kung Ano ang Mada-download Mo.

  3. Pumili ng TV show o pelikula.

  4. Sa page ng detalye ng title, i-tap ang I-download.

    • Para sa mga TV show, lalabas ang icon na I-download sa tabi ng bawat available na episode.

    • Para makatipid sa paggamit ng data, mag-download gamit ang Wi-Fi.

Puwede kang magkaroon ng hanggang 100 active download nang sabay-sabay kada device batay sa dami ng device na kasama sa Netflix plan mo.

Kapag kinancel mo ang account mo, made-delete ang mga download sa device mo. Kapag ni-restart mo ang membership mo, kailangan mong i-download ulit ang mga ito.

Panoorin ang mga na-download na TV show at pelikula

Para masigurong palagi kang may access sa mga na-download mo, inirerekomenda naming manatili kang naka-sign in sa Netflix app.

  1. Habang naka-sign in sa Netflix app, i-tap ang Mga Download.

  2. Hanapin ang title na gusto mong panoorin, at i-tap ang I-play.

    • Para sa mga TV show, pumili ng show, at i-tap ang I-play sa tabi ng episode na gusto mong panoorin.

Tandaan:Habang gumagamit ng Pambatang profile, posibleng hindi available na panoorin offline ang mga na-download na TV show at pelikula na may mas matataas na maturity rating.

Available ang mga na-download na TV show at pelikula sa device na ginamit para i-download ang mga ito at mapapanood ang mga iyon sa kahit anong Netflix profile mo. Ang mga na-download ay mag-e-expire pagkalipas ng partikular na panahon, at ang ilan ay may limitasyon sa dami ng beses na puwedeng i-download ang mga iyon kada taon. Kapag tapos ka nang manood, i-delete ang mga download sa device mo para magbakante ng space.

Tandaan:Ang ilang device ay may Mga Smart Download, na automatic na nagda-download ng mga TV show at pelikula sa device mo.

Mga Kaugnay na Article

OSZAR »